“The house you looked at today and wanted to think about until tomorrow may be the same house someone looked at yesterday and will buy today.” - Koki Adasi
Hi! My name is Nikka and I have been in Real Estate since June 2012. Yes, I know, jurasic na sa larangang ito but I believe na isa ito sa mga advantages ko as an agent. Sa tagal ng panahon, marami na akong nawitness na struggles ng mga first time homebuyers sa pagpili ng property na perfect para sa kanila or sa kanilang pamilya.
As a Real Estate Salesperson, naniniwala ako na dapat nating ipaintindi sa clients kung ano ang mga properties na pasok sa preference nila, sa location na gusto nila and of course sa budget nila. Marami na kasi akong naencounter na client na gusto sa ganitong location pero hindi pa pasok ang budget or income niya. Mas maganda kung hindi maisasakripisyo ang needs nila.
Ito talaga ang aking pinakagoal sa blog na ito, mapadali ang paghahanap ng property na para sa inyo kabayan. Mahalaga lamang na maging open tayo kung ano ang hinahanap mo para mas mafilter natin ang mga options na pwede sayo.
If you have any suggestions, mga properties na gusto niyong ifeature naten, comment lang kayo sa comment section. Thank you guys!

Comments
Post a Comment